P680K na halaga ng hinihinalang ilegal na droga, nasabat sa isang high value individual sa Caloocan

Nakumpiska ng Caloocan City Police ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 680,000 sa isinagawang buybust operation sa Reparo Road, Barangay 149, Bagong Barrio Caloocan City.

Ang mga suspek: isang high value individual at isang babae na kasama umano nito.

Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang 100 gramo ng shabu, buybust money, cellphone, at pera na nagkakahalaga ng P200.


Kasalukuyang nananatili sa kustodiya ng pulisya ang dalawang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments