P680k na halaga ng shabu at mga baril, nasamsam sa Quezon City

183

Timbog ang tatlong lalaki at isang babae na tulak umano ng droga sa Quezon City, matapos ang ikinasang buy-bust operation pasado ala-1:00 kaninang madaling araw.

Nakilala ang tatlong lalaking suspek na sina Michael Magundayao Macalma at Michael Nergua Barriga na parehong nasa drug watch list ng Brgy. Kaligayahan at si Allan Cortes Remolacio.


Kasama din sa drug watch list ang babae suspek na si Vanessa Herradura Bayani.

Nakuha mula sa kanila ang 100 grams na hinihinalang droga na may katumbas na halaga ng P680,000.

Narekober din mula sa mga suspek ang dalawang baril na isang cal. 38 revolver at isang unit improvise shotgun.

Maliban dito, kinuha ng mga pulis ang isang sasakayang ginamit ng mga suspek at ang isang cellphone na hinihinalang naglalaman ng mga contact information ng mga parokyano at drug distributor ng mga suspek.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms.




Facebook Comments