P68K na halaga ng shabu nasamsam sa Fairview QC buy bust operation

Timbog ang isang lalaking umano ay tulak ng droga sa Fairview Quezon City matapos ikasa ang buy-bust operation pasado alas-7:00 kagabi sa nasabing lungsod.

Nakilala ang suspek na si Socarno Akmad Daud, residente ng Barangay Greater Lagro, Lungsod ng Quezon.

Nakuha ng mga pulis mula sa suspek ang sampong gramo ng shabu na may katumbas na halaga ng PHP68,000.00.


Maliban dito, narekober naman ng mga pulis ang PHP300.00 na pera na ginamit bilang buy-bust money at ang motorisklo na ginamit ng suspek.

Ayon kay PCAPT Jermaine P Garan, ng Quezon City Police, ginawa ang nasabing operasyon sa kahabaan ng Mindanao Ave Exit  St., malapit sa Bodega food hub ng Barangay Greater Lagro.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments