P800,000 na halaga ng hinihinalang shabu at mga armas, nasabat sa Makati

38

Arestado ang dalawang drug suspect kasunod ng ikinasang buy bust operation ng Makati police, madaling araw ng Lunes.

Target sa operasyon sina Martin Garcia, 35-anyos at Romnick Basas 32-anyos, kapwa residente ng Barangay Guadalupe Viejo.

Ayon sa Drug Enforcement Unit ng Makati police, nakipagkita ang mga suspek para magbenta ng bawal na gamot.

Matapos maiabot ang 1,000 pesos na mark money ay agad inaresto ang mga suspek.

Kabilang sa nakumpiska ay limang bala isang kalibre .22 at 120 grams na hinihinalang shabu na may street value na 816,000 pesos.

Paglabag sa Illegal Possession of Firearms and Ammunition at Dangerous Drugs Act ang isasampang kasong laban sa mga naarestong suspek.

Facebook Comments