P86 million disallowance na kinuha ni Senator Gordon, pinababalik na ng Supreme Court

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na inatasan na ng Supreme Court (SC) si Senator Richard Gordon na ibalik ang P86 million disallowance na kinuha nito noong Chairman pa sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Ayon sa pangulo, nakarating na ang apela niya sa SC na una nang pinatunayan ng Commission on Audit (COA).

September 23 nang unang inilabas sa publiko ni Pangulong Duterte ang isyu.


Bagamat’ hindi na nagpalabas ng impormasyon sa desisyon ng SC, ginanap ang paniningil nang manungkulan na si Senator Gordon bilang senador.

Facebook Comments