PAALALA | DepEd, nagpaalala na huwag magsagawa ng magarbong Christmas party

338

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa mga pampublikong paaralan na bawal ang pagdaraos ng magarbong Christmas party at ang paniningil ng kontribusyon para dito.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, maaari lamang ang boluntaryong kontribusyon para magdaos ng party.

Dapat rin aniyang mayroong basbas o kaya ay pinagkasunduan ng Parents-Teachers Association (PTA).

Kasabay nito, nanawagan din ang kalihim sa PTA na huwag masyadong malaki ang hinging kontribusyon para hindi mahirapan ang mga magulang.

Facebook Comments