PAALALA | DPWH, magsasagawa ng road reblocking ngayong weekend sa QC at Maynila

13

Manila, Philippines – Simula alas-11 ng gabi mamaya (July 13), hanggang alas-5 ng madaling araw ng Lunes (July 16), sasailalim sa road reblocking ang ilang kalsada sa Quezon City at Maynila.

SOUTHBOUND:
1. EDSA mula Arayat St. to Ignacio Diaz (4th lane mula sa sidewalk)
2. EDSA mula sa Timog Avenue patungong Kamuning Road (2nd lane mula sidewalk)
3. EDSA tapat ng Francesca Tower lampas nt Sct. Borromeo (3rd lane mula center island)

NORTHBOUND:

4. EDSA Vertis North to Trinoma Mall (2nd lane mula sidewalk)
5. Batasan Road, Commonwealth Ave., papuntang Kalinisan St. (1st lane)
6. Congressional Ave., bago mag cor. Jupiter St. (1st lane)
7. Fairview Ave. simula Mindanao Ave. Extn to Jordan Plains Subd. at Jordan Plains Subd. patungong Mindanao Ave. Extn (3rd lane)

MAYNILA:
A.H Lacson Ave., malapit sa Aragon St.

Pinaiiwas na ang mga motorista sa mga nabanggit na kalsada upang di na maabala pa sa pagbiyahe

Facebook Comments