PAALALA | DPWH, magsasagawa ng road reblocking ngayong weekend sa Quezon City at Maynila

20

Manila, Philippines – Simula alas-11 ng gabi mamaya (Aug 10), hanggang alas-5 ng madaling araw ng Lunes (Aug 13), sasailalim sa Road Reblocking ang ilang kalsada sa Quezon City.

Southbound direction ng (EDSA) mula sa tapat ng Francesca Tower lampas sa Scout Borromeo, 3rd lane mula sa center island; at sa northbound direction bago mag North Avenue, 6th lane mula center island.

Northbound ng Fairview Avenue, mula Mindanao Avenue Extension hanggang Jordan Plains Subdivision, 3rd lane;

Batasan Road, bago mag Payatas Road, 2nd lane;

at Katipunan Avenue, sa pagitan ng Capitol Hills Drive, Ayala Heights Village, 1st lane.

Northbound directions ng A. H. Lacson Avenue, mula sa kanto ng Aragon Street hanggang sa kanto ng P. Florentino Street

Pinaiiwas na ang mga motorista sa mga nabanggit na kalsada upang di na maabala pa sa pagbiyahe.

Facebook Comments