Paalala ng DILG sa mga LGUs, gawing maayos ang paglipat ng kapangyarihan sa mga bagong halal na opisyal

74

Muling nanawagan ang  Department of  Interior and Local Government sa mga LGUs na tiyakin ang maayos  at  paglipat ng kapangyarihan at responsibilidad sa mga bagong halal na opisyal sa katatapos na halalan.

 

Ito na rin ang panahon na isantabi ang pulitika at interes ng partido sa halip paghandaan ang pagpalit ng bagong pamamahala.

 

Aniya nagsalita na ang taumbayan at panahon na magkaisa ang lahat at magtulong-tulong para sa kapakanan ng  kanilang lokalidad.

 

Una nang naglabas  ng Memorandum Circular ang DILG  na nagaatas  sa mga LGUs na bumuo ng  Local Governance Transition Teams.

 

Magiging trabaho ng  transition team  na  magsagawa ng  imbentaryo sa mga ari-arian ng  LGU, pag secure sa lahat ng  official documents at records ng mga transaksyon at iba pa.

 

Nagpahayag naman ng kahandaan ang DILG na magbigay ng trainings sa mga bagong halal na local officials sa pamamagitan ng  Local Government Academy.

Facebook Comments