PAALALA | Paghahain ng 2017 annual Income Tax Returns, hanggang ngayong araw na lang ayon sa BIR

24

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa publiko na hanggang ngayong araw na lang ang deadline sa paghahain ng 2017 annual Income Tax Returns (ITR) at pagbabayad ng tax due.

Ayon kay BIR Public Information and Education Division Chief Director Reymarie Dela Cruz, asahan na ang aberya sa kanilang online server kapag nagsabay-sabay na ang pasok ng data.

Aniya, maaari namang pumunta sa kanilang tanggapan para personal na maghain ng ITR.

Papatawan naman aniya ng 25 porsyento ng surge charge ang mga mahuhuli sa deadline bukod pa ang 12 interest per annum at compromise penalty.

Una nang sinabi ng BIR na wala ng extension ang filing ng ITR ngayong araw.

Nabatid na tuwing April 15 lamang ang regular na filing ng ITR pero dahil tumama ito ng araw ng Linggo inilipat ito ng April 16.

Facebook Comments