PAALAM | American Queen of Soul Singer Aretha Franklin, pumanaw na

Hollywood – Ikinalungkot ng music industry sa Hollywood ang pagpanaw ng nag-iisang American Queen of Soul na si Aretha Franklin.

Mismong sa bahay niya sa Detroit namatay ang 76-anyos na sikat na singer kung saan matagal na daw niyang nilalabanan ang sakit na advance pancreatic cancer.

Si Franklin ang tanging singer na hinawakan ang record na most entries sa hot 100 list of any female artist sa loob ng 40 taon.


Nagwagi rin ito ng 18 Grammys at siya ang unang babaeng kinilala sa rock ‘n’ roll hall of fame noong 1987 at naging sikat naman sa Pilipinas ang kanta nitong Say A Little Prayer sa movie soundtrack na My Bestfriend’s Wedding.

Facebook Comments