PAALAM | Kongresista mula sa Kabayan, pumanaw na

Manila, Philippines – Pumanaw si Kabayan Representative Ciriaco Calalang sa edad na 67-anyos matapos na atakihin sa puso kahapon ng umaga.

Ayon kay Kabayan Representative Ron Salo, maikli man ang naging panahon ni Calalang sa paglilingkod sa Kongreso pero marami naman itong naiwang legacy.

Si Calalang na isang law professor at taxation lawyer din ang may-akda ng 47 panukala para sa pagsusulong ng mga adbokasiya ukol sa juvenile justice, edukasyon, senior citizens, criminal justice, public transportation at land use.


Papalitan naman ng ika-apat na nominee ng Kabayan Partylist si Calalang.

Matatandaang si Calalang ang pumalit noon kay dating Kabayan Representative at ngayon ay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ang public wake ng pumanaw na kongresista ay sa Miyerkules alas 5 ng hapon sa St. Peter Memorial Chapels, Quezon City.

Facebook Comments