PAALAM NA | Dating Defense Secretary Fortunato Abat, inihatid na sa huling hantungan

45

Manila, Philippines – Inihimlay ngayong tanghali si dating Defense Secretary at Retired General Fortunato Abat.

Sa Libingan ng mga Bayani, inilibing si Abat at binigyan ito ng full military honors.

Siyamnapu at dalawang taon si Abat ng bawian ng buhay nito lamang Miyerkules, March 7.

Si Abat ay nagsilbing commanding general ng Philippine Army mula 1976 hanggang 1981.

Naitalaga rin siya bilang Philippine Ambassador to China.

Nang bumagsak ang rehimeng Marcos, nagsilbi si Abat na administrator ng Philippine Veterans Affairs Office at naging Undersecretary ng Defense Department hanggang sa italagang kalihim sa panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Facebook Comments