Limang lugar sa San Nicolas ang nakatanggap ng mga kagamitang pang-edukasyon at pangkomunidad mula sa lokal na pamahalaan.
Isa sa mga nakinabang ay ang Malico National High School na tumanggap ng mga lamesa, upuan, at mga gamit pangkonstruksyon para sa kanilang Science Laboratory.
Sa mga paaralang elementarya, isang canopy ang ipinagkaloob sa Pastoran Elementary School, habang dalawang telebisyon naman ang naibigay sa Sapinit Elementary School.
Samantala, sa mga barangay, 200 metro ng blue pipe ang ibinigay sa Bensican, habang isang jetmatic at dalawang G.I. pipe naman ang ipinagkaloob sa Calanutian.
Ang mga naturang kagamitan ay mula sa pondo ng Special Education Fund (SEF) 2025 at sa donasyon ng lokal na pamahalaan, na layong makatulong sa mga nangangailangang paaralan at komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









