PABAHAY NG PULIS AT COMMUNITY OUTREACH NG PANGASINAN PPO, UMARANGKADA SA BAYAN NG SAN QUINTIN

Matagumpay na naisagawa ang turn-over ng โ€˜Pabahay ng Pulisโ€™ ng Pangasinan Police Provincial Office, sa pamumuno ni PCol Jeff Fanged, katuwang ang 2nd Provincial Mobile Force Company sa napiling benepisyaryo sa bayan ng San Quintin.
Iginawad sa pamilya ni Edgardo Suezon Corpuz ng Brgy. Carayacan, San Quintin, Pangasinan ang isang pabahay na alinsunod sa kanilang proyekto.
Nagpamahagi rin ng mga gift packs ang kapulisan sa mga senior citizens sa nasabing barangay.

Samantala, nagpapatuloy ang mga programa at proyekto ng Pangasinan PPO na naglalayong makapagbigay ng maayos at permanenteng tirahan para sa mga residente at pamilyang nasasakupan na higit na nangangailangan, gayundin ang community outreach na naglalayong maghandog ng maagang pamasko para sa mga benepisyaryo. |ifmnews
Facebook Comments