PACALAT RIVER SA MANGATAREM, PANSAMANTALANG ISASARA NGAYONG TAG-ULAN

Pansamantalang isasara sa publiko ang dinadayong Pacalat River sa Mangatarem bunsod ng pag-uumpisa ng tag-ulan ayon sa barangay council.
Giit din ng lokal na awtoridad ang paghihigpit sa mga dumadaang motorista na ginagamit bilang shortcut ang barangay upang makauwi sa mga karatig barangay tulad ng Calomboyan, Tococ, Barikir, at Catarataraan dahil dumidiretso umano ang mga ito sa Pacalat River sa kabila ng pagbabawal sa lugar.

Matatandaan na isa ang Pacalat River sa higit dinarayong pasyalan sa lalawigan noong tag-init dahil sa payapang agos ng ilog at view ng kabundukan sa kabila ng ilang anunsyo ng barangay council ng pagsasara noong Abril dahil sa nagpapatuloy na konstruksyon sa mga kakalsadahan sa naturang bahagi.

Muling hinimok ng barangay council ang pagtalima ng publiko sa mga anunsyo upang patuloy na mapangalagaan ang kalikasan at matiyak ang seguridad ng mga bisita. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments