PACC, handang magsumite kay Pangulong Duterte ng kanilang corruption investigation findings

48

Magsasagawa ang Presidential Anti- Corruption Commission (PACC) ng en banc meeting ngayong araw para pag-usapan ang mga rekomendasyon nito kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kanilang imbestigasyon sa umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, kasama sa kanilang report ang mga pangalan na sinasabing dawit sa katiwalian.


Dagdag pa ni Belgica, magsusumite rin sila sa Department of Justice (DOJ) kapag nabuo na ang expanded anti-corruption task force.

Sinabi niya na mayroon silang iniimbestigahang limang kaso sa DPWH, walong bagong kaso sa PhilHealth at iba pang kaso mula sa Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa DOJ na imbestigahan ang korapsyon sa lahat ng ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments