PACC, nakiusap sa publiko na huwag pangunahan si PRRD hinggil sa extension ng ECQ sa Luzon

297

Nakiusap sa publiko si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna na maghintay na lamang ng magiging pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte hingiil sa isyu ng umano’y extension sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon dahil sa COVID-19.

Ayon kay Luna, hindi dapat pangunahan si Pangulong Duterte sa magiging pasya nito kung papalawigin pa ang ECQ.


Ito kasi, aniya, ang higit na nakakaalam sa sitwasyon ng bansa sa paglaban kontra sa nasabing virus.

Nagdudulot din, aniya, ng pressure sa mga usaping nakapaloob sa ECQ ang rekomendasyong extension nang pagpapatupad nito, lalo’t hindi lamang ang Pilipinas ang nahaharap sa pagsubok ng COVID-19 pandemic kundi ang buong mundo.

Facebook Comments