Pacman, 97% ready na sa laban kontra Adrien Broner

210

Handa na ang kondisyon ni Pinoy ring icon Manny Pacquiao sa laban nito sa American boxer na si Adrien Broner sa Enero 19, 2019.

Ayon kay Buboy Fernandez na head coach ng pambansang kamao, nasa 97 percent na kondisyon ng fighting senator.

Nitong linggo ay inaasahan na ng Team Pacquiao na makakamit na ni Manny ang target nilang 100 percent na kondisyon ng pangagatawan.

Sinabi ni Fernandez na maganda ang response ng Pinoy ring icon sa training nito na patunay lamang na nasa “top of the game” pa rin ito sa kabila ng kanyang edad.

Facebook Comments