Pacman, hindi mamaliitin si American boxer na si Keith Thurman

Hindi ipagwawalang-bahala ng kampo ni fighting Senator Manny Pacquiao ang American boxer na si WBA “Super” Welterweight Champion na si Keith Thurman.

Ayon kay hall of famer coach Freddie Roach – bagama’t natalo si Thurman sa huling laban nito, aasahan niya na matindi ang ipapakita nitong laban kay Pacquiao sa darating na Hulyo 21.

Kasalukuyan rin pinapanood at nire-review ni coach Roach ang mga best fights ni Thurman sa mga naging kalaban nito upang matumbok ang kanyang mga kahinaan.


Para naman sa manager ni Pacquiao na si Sean Gibbons, si Thurman ay maituturing bilang isang mapanganib na makakalaban ni Boxing Champ.

Facebook Comments