Pacman, pasok sa Forbes Top 100 World’s Highest Paid Athletes

178

Pasok si incumbent Senator Manny Pacquiao sa listahan ng Forbes Magazine: Top 100 World’s Highest-Paid Athletes.

Sa 2019 ranking, nasa rank 92 si Pacquiao na may kitang aabot sa $26 million habang ang kanyang sahod o napanalunan ay umabot sa $24 million.


Ang kanyang endorsements naman ay nasa $2 million.

Ang 24 na pay-per-view ni Pacquiao ay nakapaglikha ng 20 million buys at tinatayang aabot sa $1.25 billion ang revenue.

Ang highest paid athlete sa listahan ay si Lionel Messi na may total earnings na nasa $127 million kasunod si Cristiano Ronaldo na may $109 million at Neymar na may $105 million.

Si Pacquiao lamang ang eight-division world champion sa kasaysayan ng boxing at tinaguriang Fighter of the Decade para sa 2000s ng Boxing Writers Association of America (BWAA).

Facebook Comments

From Advertisers