Pacman, sumabak na sa sparring sessions

61

Sumabak na sa sparring session si Pinoy champ Manny Pacquiao para sa paghahanda sa bakbakan nila ni Keith Thurman sa July 20.

Naganap ang unang araw ng ensayo ni Pacman sa Wild Card Gym ni Hall of Fame coach Freddie Roach sa Los Angeles, California.


Sa nakalipas na labinwalong taon na pagsasama nila ni Pacquiao, hanga pa rin si Freddie Roach sa pagiging masigla sa ensayo ng Pambansang Kamao.

Bilib din sa lakas at bilis ni Pacquiao ang mga sparring partner niyang sina Abraham Lopez at Arnold Gonzales na nagsalitan sa loob ng eight rounds na sparring session.

Facebook Comments

From Advertisers