Pacman, wagi kontra kay Thurman via split decision

102

Muling ipinamalas ni Senator Manny Pacquiao ang galing ng mga Pilipino sa boxing ring matapos patumbahin si Keith Thurman sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, kahapon.

Panalo si Pacman via split decision para sa WBA Superwelterweight Belt.


Round 1 pa lamang, ay ibinagsak na agad ni Pacquiao si Thurman sa pamamagitan ng body shot at hook combo.

Pagdating ng round 2, tuloy ang pagiging agresibo ni Pacman pero nang pumasok ang round 5 ay dito na humataw si Thurman hanggang round 6 at 7.

Pagsapit ng round 10, ipinalasap ni Pacquiao ang kanyang left hook sa tagiliran ni Thurman.

Sa huling dalawang round, humina si Thurman pero lumaban hanggang sa huli.

Ayon kay Pacquiao – ang laban niya kay Thurman ay isa sa pinakamahirap sa kanyang boxing career.

Humanga rin si Pacquiao kay Thurman dahil sa bigat ng kanyang mga suntok, tibay at tapang.

Facebook Comments

From Advertisers