Pacquiao-Horn rematch, dapat lang – ayon kay Senator Sotto

87

Manila, Philippines – Para kay Senate Majority Leader Tito Sotto III sa halip na isipin ang pagreretiro ay mas dapat paghandaan ni Senator Manny Pacquiao ang rematch kay Jeff Horn.

Ito ayon kay Sotto ay para patunayan na sya talaga ang tunay na nagwagi at hindi si Horn.

Si Senator Win Gatchalian naman kumbinsidong kaya pa ni Pacquiao ang ilan pang laban kung pagbabasehan ay ang naging performance nito kahapon.


Hindi rin itinuturing ni Gatchalian na matanda na para sa boxing si Pacquiao sa edad nitong 38.

Facebook Comments