Pacquiao, kinumpirma ang laban kay US Boxer Spence sa Agosto

72

Kinumpirma ni boxing champ at Senador Manny Pacquiao na tuloy ang laban nila ng American boxer na si Errol Spence Jr. sa Las Vegas, Nevada sa darating na August 21, 2021.

Sa kaniyang Instragram account, ibinahagi ni Pacquiao ang nasabing laban.


Huling nakalaban ng 42 taong gulang na Pinoy boxer si Keith Thurman noong 2019 kung saan nakuha niya ang World Boxing Association (WBA) Super Welterweight Title.

Samantala, hawak naman ni Spence ang International Boxing Federation (IBF) at World Boxing Council (WBC) Welterweight Titles noong 2017 at 2019

Facebook Comments