Pacquiao – posibleng mapabagsak sa ring si Broner sa 10th round

345

Manila, Philippines – Hindi malayong makakuha muli ng knockout win si Pinoy Champ Manny Pacquiao sa nakatakda nilang sagupaan ni Adrien Broner sa January 20.

Ayon sa boxing analyst na si Atty. Ed Tolentino – posibleng tapusin ng fighting senator ang laban nila ng American boxer sa loob ng sampung rounds.

Gayunman, posible pa ring mahirapan si Pacquiao dahil hindi madaling tibagin sa ibabaw ng lona si Broner na may istilong kagaya ng kay Floyd Mayweather Jr.

Naniniwala rin si Tolentino na mas magiging exciting at competitive ang laban ng dalawa kumpara sa naging laban nina Pacquiao at Lucas Matthysse noong july 2018.

Facebook Comments