Nagsama-sama ang mga residente, siklista, at iba’t ibang grupo sa San Fabian sa isinagawang “Padyakalikasan” o Bike, Hike, and Plant activity bilang pagpapakita ng suporta sa pangangalaga sa kalikasan.
Bitbit ang mga punla, sabay-sabay silang nagbisikleta patungong Barangay Inmalog Sur kung saan isinagawa ang pagtatanim ng mga puno.
Katuwang sa aktibidad ang lokal na pamahalaan at mga kasapi ng pulisya na layuning hikayatin ang publiko sa mga gawaing makatutulong sa kalikasan.
Sa pamamagitan ng simpleng pagbibisikleta at pagtatanim, ipinakita ng mga lumahok na posible ang pagtaguyod ng kalusugan at kapaligiran nang sabay.
Facebook Comments








