PAF, dumistansya kung bakit sa Villamor Airbase dinala si FPRRD

Limitado lang din ang ibinigay na impormasyon ng Philippine Air Force (PAF) kung bakit idineretso sa Villamor Airbase si dating Pangulong Rodrigo Duterte pagkadating sa bansa mula Hong Kong.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, normal lang naman na maging arrival at departure points ng mga important personalities o VIP ang Villamor air base.

Gayunman ipinauubaya na ng PAF sa concerned government agency ang naturang usapin dahil sa operational security.


Si Duterte ay sinalubong ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court para sa krimen laban sa sangkatauhan.

Facebook Comments