Friday, March 6, 2026

PAF, nakahanda sa pagpapauwi ng mga Filipino sa Middle East

Tiniyak ng Philippine Air Force (PAF) na nakahanda ang kanilang mga asset sakaling kailanganing pauwiin ang mga Pilipinong nasa Middle East.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Christina Basco, nakahanda ang mga aircraft ng PAF kung magkakaroon ng repatriation.

Nakadepende pa rin aniya ang desisyon at hinihintay ang go signal mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), at Department of National Defense (DND).

Dagdag pa niya, ang mga C-130 aircraft ang inisyal na maaaring gamitin para sa posibleng paglilikas.

Kaugnay nito, sasailalim pa sa masusing pagpaplano ang repatriation ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) dahil nakasara pa sa ngayon ang airspace sa malaking bahagi ng Gitnang Silangan.

Facebook Comments