Pag-aaral sa Ivermectin, magsisimula ngayong buwan; Pangulong Duterte, pinabibilisan ito

68

Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aaral patungkol sa bisa ng antiparasitic drug na Ivermectin laban sa COVID-19.

Sa kanyang public address, pinagsabihan ni Pangulong Duterte si Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na dapat magkaroon na ng resulta ang pag-aaral sa lalong madaling panahon.


Ang mahalaga aniya ay mura at available ang gamot.

Hindi aniya problema ang pera o pondo para sa pagsasagawa ng pag-aaral sa Ivermectin.

Tugon ni Domingo, ang clinical trials ng Ivermectin, magsisimula na ngayong buwan.

Facebook Comments