PAG-AARALAN | Hirit na dagdag singil sa tubig, dadaan muna sa pag-aaral ng regulatory board ng MWSS

10

Manila, Philippines – Wala pang pinal na napagkakasunduan kaugnay ng hirit na dagdag singil sa tubig.

Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System Director Rey Velasco, kailangan muna itong dumaan sa MWSS regulatory board para matukoy kung magkano ang ipapataw na dagdag singil.

Nilinaw naman ni Velasco na kung magpapatupad ng dagdag singil ay hindi ito gagawin ng isang bagsakan.

Facebook Comments