PAG-AARALAN | PDP Laban, pag-aaralan pa ang magiging posisyon kaugnay sa bagong liderato ng Kamara

285

Manila, Philippines – Hindi pa naitatakda ng PDP Laban kung ano ang magiging posisyon nito sa ilalim ng pamumuno ni bagong House Speaker Gloria Arroyo.

Pahayag ito ni PDP Laban President Senator Koko Pimentel, makaraang matanggal bilang lider ng Kamara ang secretary general ng partido na si Congressman Pantaleon Alvarez.

Paliwanag ni Pimentel, noong isang araw lang nangyari ang pagbabago sa liderato ng Kamara kaya wala pa silang kongkretong pasya.

Ayon kay Pimentel, bilang pagsunod sa proseso ng PDP Laban ay kailangan muna niyang magsagawa ng konsultasyon hinggil sa usapin.

Facebook Comments