PAG-AARALAN | Petisyon para sa dagdag singil sa toll sa mga expressway, hindi pa aprubado ayon sa Toll Regulatory Board

Manila, Philippines – Maaaring umabot ng hanggang 40 percent ang dagdag-singil sa toll ng mga expressways gaya ng NLEX o at SCTEX o Subic – Clark – Tarlac Expressways.

Sa gitna ito ng inihaing petisyon sa toll regulatory board o TRB na taas singil sa mga expressway.

Pero nilinaw ni TRB Spokesman Bert Suansing, hindi pa nila inaaprubahan ang naturang hirit at dadaan pa ito sa masusing pag-aaral.


Tiniyak naman ni Suansing na magiging makatwiran ang ipapataw nilang dagdag singil para hindi ito maging mabigat sa bulsa ng mga motorista.

Facebook Comments