PAG-AAYUSIN | PDP-Laban, muling pupulungin sa susunod na

24

Manila, Philippines – Muling pupulungin ni Pangulong Duterte ang dalawang paksyon ng PDP-Laban sa susunod na buwan matapos itong hindi mapagkasundo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, umaasa pa rin si Pangulong Duterte na magkakaayos ang paksyon nina Senador Koko Pimentel at Atty. Rolando Garcia.

Hinikayat naman ng Pangulo sina Pimentel at Garcia na unahin ang kapakanan ng taumbayan sa lahat ng kanilang magiging desisyon.

Una nang sinabi ng dalawang panig na ayusin nila ang namamagitang gusot.

Umaasa naman ang lahat na sa susunod na pulong ay mabubuo na ang mas malakas na PDP-Laban para sa darating na 2019 Midterm Election.

Facebook Comments