Pag-airlift sa mga bakuna sa iba’t iba pang bahagi ng bansa, ipinagpatuloy ng Cebu Pacific

41

Nai-airlift na rin ngayong araw ng Cebu Pacific ang 6,000 doses ng mga bakuna patungong Tuguegarao, Cagayan.

Bukod pa ito sa mga naunang bakuna na inilipad ng CebuPac patungong Zamboanga, Tacloban, Cotabato at Puerto Princesa.


Sa kabuuan, umaabot na sa 130,800 doses ng bakuna ang nai-airlift ng Cebu Pacific sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Tiniyak naman ng nasabing air carrier na maayos nilang naitatago ang mga bakuna sa kanilang refrigerated storage container sa kanilang cargo warehouse, kung saan kumpleto ito sa cooling systems para matiyak na hindi masasayang ang mga bakuna bago ito ilipad sa mga lalawigan.

Facebook Comments