
Iminungkahi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagtanggal ng U-turn slot sa bahagi ng C-5 Kalayaan intersection.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes, ang suhestiyon nila ay palitan ito pansamantala ng stoplight upang mapabuti ang daloy ng trapiko sa lugar.
Ito ay nakapaloob din sa Comprehensive Traffic Management Plan.
Samantala, sinabi naman ni Artes na tinaggal na rin nila ang median island para lumapad ang kalsadang nagagamit ng mga motorista.
Itutuloy rin ang orihinal na planong lagyan ito ng underpass sa parehong North at South bound ng Kalayaan intersection.
Kasama rin sa mga plano ang pagtatayo ng isa pang underpass sa kahabaan pa rin ng C-5, partikular sa bahagi ng Lanuza.