Pag-ambush sa mga pulis sa Maguindanao, kinondena ni Congressman Mujiv Hataman

Mariing kinondena ni Basilan Representative Mujiv Hataman ang ambush na ikinasawi ni Ampatuan Police Chief Lt. Reynaldo Samson at Police Corporal Salipudin Endab at pagkasugat ng tatlong iba pa.

Nakalulungkot para kay Hataman ang nangyari kung saan ang mga nasawi ay miyembro ng ating kapulisan na siyang nagpapatupad ng batas, nagtataguyod ng ating seguridad at nagtatanggol sa ating mamamayan.

Base sa report, isisilbi sana ng grupo ni Samson ang warrant of arrest sa isang nagngangalang Kamir Kambal na wanted sa kaso ng robbery nang tambangan ang mga ito.


Giit ni Hataman sa Philippine National Police, imbestigahan ang krimen at papanagutin, hindi lamang ang mga aktuwal na gunmen, kundi ang utak din sa likod ng pagpatay, kasama na ang mga nakakaalam sa krimen.

Hiniling din ni Hataman sa Pambansang Pulisya na tutukan ang anggulo na may breakdown ng peace and order sa lugar at bakit alam ang ruta at oras ng pagpunta ng mga pulis para isilbi ang warrant.

Facebook Comments