
Ikinakasa na ng House Committee on the Welfare of Children ang pulong sa mga tagapagtaguyod ng karapatan ng mga bata para makabuo ng komprehensibo pero praktikal na mga solusyon sa bullying.
Ayon sa Chairperson ng komite na si BHW Party-list Representative Angelica Natasha Co, tatalakayin sa pulong ang detalye ukol sa isinusulong na pag-amyenda sa Anti-Bullying Act.
Imbitado rin sa pulong ang mga social worker, barangay health worker at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang hakbang ng komite ay tugon sa dumadaming mga insidente ng pambu-bully sa loob ng paaralan na marahil ang ugat ay nagsisimula sa mga bahay at pamayanan.
Hindi rin sapat para kay Co ang limang rekomedasyon ng Congressional Commission on Education (EDCOM) dahil limitado lang ang saklaw nito at hindi makakatugon sa mas malaki o kabuuang problema.