Pag-apruba ng China na gamitin ang Sinovac vaccine sa mga bata, welcome sa DOH

31

Welcome sa Department of Health (DOH) ang pag-apruba ng China na mabakunahan ng Sinovac COVID-19 vaccine ang mga bata.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, bukas ang Pilipinas sa paggamit ng naturang brand ng bakuna sa mga menor-de-edad lalo na kung makikita ang accuracy ng naturang pag-aaral, gayundin ang ebidensyang magpapatunay sa kaligtasan nito.


Gayunpaman, kailangan pa rin aniyang magsumite ng bagong aplikasyon ang pharmaceutical company ng Sinovac para sa pagbabago ng datos na nilalaman ng kanilang Emergency Use Authorization.

Oras na matapos ang naturang mga hakbang ay agad aniya itong pag-aaralan ng ating mga eksperto.

Matatandaang kasama na ang Sinovac vaccine na binigyan ng EUA ng World Health Organization (WHO).

Facebook Comments