Pag-apruba sa commercial market ng ASF vaccine galing Vietnam, ipinagpaliban sa Mayo

Hindi na muna matutuloy ngayong Abril ang planong commercial release ng bakuna kontra African Swine Fever (ASF) na galing Vietnam.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Department of Agriculture Spokesperson at Asec. Arnel de Mesa na nakita ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na gahol na sa oras upang ipatupad ang commercial approval ng ASF vaccine ngayong Abril kung kaya’t iniusod na ito sa Mayo.

Layon ng commercial vaccination na mapabilis ang pagbangon ng local hog industry na dumapa sa epekto ng ASF noong huling bahagi ng 2024.

Una nang iniulat ni De Mesa na naging maganda ang resulta ng isinagawang government controlled vaccination sa mga walang sakit na baboy sa May 29 na hog farms sa mga tinukoy na ASF hotspots.

Nitong March 14, nasa 39 barangay na lang mula sa 27 na bayan at lungsod ang may active cases ng ASF mula sa 66 barangays na naitala sa huling bahagi ng February.

Facebook Comments