Pag-aresto at pagsasampa ng kaso sa mga curfew violators, iniutos ng DILG sa PNP na ipagpatuloy

227

Inatasan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) na ipagpatuloy  ang pag aresto at pagsasampa ng kaso sa mga curfew violators .

Nais ni DILG  Secretary Eduardo  Año na matigil talaga ang movement ng tao habang umiiral  ang  Enhanced Community Quarantine .


Gusto rin ni Año na ipakita sa publiko na seryuso ang gobyerno na gawin ang naturang hakbang kung ito lang ang paraan para kilalanin nila ang batas.

Paliwanag pa ng kalihim hanggang ngayon marami pa rin ang pasaway at binabalewala ang ipinatutupad na  curfew.

Base sa datus, kabuuang 42,826 na lumabag sa Curfew ang nahuli na sa loob ng 11 araw mula nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine noong March 17 hanggang  March 27.

Sa kabuuang bilang, 12,094 dito ay mula sa  Metro Manila.

Facebook Comments