Pag-aresto kay FPRRD, pagsunod lamang sa interpol at hindi sa ICC —PBBM

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ginawa lamang ng pamahalaan ang kanilang mandato na ipatupad ang International Criminal Court (ICC) warrant of arrest kasunod ng hiling ng International Police.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., ginawa nila ang pag-aresto dahil sa commitment sa Interpol at hindi sa ICC.

Hindi aniya matanggihan ng pamahalaan ang Interpol dahil marami itong naitulong sa Pilipinas tulad ng pag-aresto kay Alice Guo, Arnie Teves, at maging ang operasyon sa human trafficking sa Myanmar.


Inamin pa ni Pangulong Marcos Jr. na matagal nang nanghihingi ang ICC ng mga dokumento kaugnay sa kaso pero hindi sila nakipagtulungan.

Kung kaya’t malinaw aniya na hindi sila nakipagtulungan sa ICC at sumunod lamang sa proseso at batas ng Interpol.

Facebook Comments