Pag-aresto sa mamamahayag na si Maria Ressa, dapat palagan

Manila, Philippines – Para kay Liberal Party o LP President Senator Francis Kiko Pangilinan, hindi dapat hayaan ang pag-aresto sa mamamahayag na si Maria Ressa dahil sa kasong cyber libel.

Diin ni Pangilinan, malinaw na ito ay panggigipit na salungat sa itinatakda ng demokrasya.

Sa tingin ni Pangilinan ay inuunti-unti at dinadahan-dahan ang bawat institusyong maaaring tumindig laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan.


Bunsod nito ay hinakayat ni Pangilinan ang lahat na magsalita, magbuklod at manindigan sa panig ng katotohanan, katarungan at malayang pamamahayag.

Facebook Comments