
Pinuri din nina Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, at Laguna Rep. Dan Fernandez na chairman ng House Committee on Public Order and Safety ang mabilis na pagdakip ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa mga suspek sa pagdukot at brutal na pagpatay sa negosyanteng si Anson Que at sa kanyang driver.
Diin ni Congressman Barbers, patunay ito na pwedeng makamit ang hustisya sa legal na proseso at walang pinapatay.
Umaasa si Barbers na magpapatuloy ang ganitong momentum sa pagsugpo sa mga high-profile na krimen ng PNP sa ilalim ng pamumuno ni Gen. Rommel Marbil at kanyang mga tauhan.
Sabi naman ni Fernandez, ang matagumpay na operasyon ng pulisya ay patunay na maaaring maghatid ng hustisya sa hindi marahas na paraan.
Dagdag pa ni Fernande, malinaw rin nitong ipinakikita na mayroong epektibong koordinasyon ang administrasyong Marcos sa mga ahensyang pangseguridad.