Pag-atake ng NPA sa mga sundalo sa Rodriguez, Rizal, kinondena ng Malacañang

1554

Kinondena ng Malacañang ang ginawang pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa mga sundalong nagsasagawa ng Community Work sa Barangay Puray, Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, paglabag ito sa idineklarang ceasefire ng magkabilang panig sa gitna ng krisis sa COVID-19.


Maituturing aniyang pagtataksil ang ginawa ng NPA.

Babala ni Panelo, nakahanda ang pamahalaan na rumesponde sa anumang pag-atake ng rebeldeng grupo. Nabatid na isang sundalo ang nasawi sa naturang pag-atake.

Facebook Comments