Pag-ban sa mining activities sa Bulacan, suportado ng CHR

Katanggap-tanggap para sa Commission on Human Rights (CHR) ang suspensyon ng minahan, quarrying at iba pang extractive operations sa Bulacan.

Ayon sa CHR, ang naging hakbang ni Governor Daniel Fernando ay tagumpay ng mga komunidad para sa isang healthy environment.

Umaasa ang CHR na susunod na rin ang iba pang lokal na pamahalaan sa pag-aksyon para protektahan ang kanilang kapaligiran.


Hinamon din nito ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na silipin ang mga seryosong epekto sa kapaligiran ng mga polisiya sa mining operations lalo pa at palaging sinasalanta ng bagyo ang bansa.

Facebook Comments