Pag-ban  sa POGO, dapat masusing pag-aralan

Iginiit ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na kailangang pag-aralang mabuti ang posibleng pag-ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Kinikilala ni Lorenzana na nagdadala ang POGO ng pera sa ating ekonomiya.

Ayon sa kalihim, itatalakay niya ito kasama ang Economic Team at mga opisyal ng kaukulang ahensya bago bumuo ng assessment.


Noong nakaraang Linggo, nagpahayag ng pagkabahala si Lorenzana sa pagtatayo ng POGO Hubs malapit sa mga kampo ng Militar.

Facebook Comments