Pag-bili ng “big ticket items” ng PNP hindi apektado sa pagkakaalis ng kanilang procurement power

125

Walang epekto sa pag-bili ng mga “big ticket items” ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakaalis ng procurement power kay PNP OIC Lt General Archie Gamboa.

Ayon kay Gamboa, nakagawian na ng PNP ang maagang bumili ng mga big ticket items.

Sa katunayan aniya ngayong taong 2020, 15 big ticket items ang bibilhin ng PNP, 11 dito ay nabili at handa na para i-award.

Ibigsabihin aniya mayroon pa silang apat na bibiling big ticket items pero matagal pa naman daw matapos ang taong 2020.

Magpupulong rin naman daw sila ni DILG Secretary Eduardo Ańo para pagusapan ang mga sunod na hakbang kaugnay dito.

Samanta aw naman magkomento ni Gamboa kung bakit may isyung overpriced ang bibilihin nilang speed guns sa halip susunod lamang daw ang PNP sa utos ng Pangulo.

Facebook Comments