Pag-certify bilang urgent sa Tobacco Sin Tax Bill at Universal Health Care Bill, ikinatuwa ng Social Watch Philippines

135

Manila, Philippines – Welcome sa Social Watch Philippines ang pag certify bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tobacco Excise Tax Bill.

Gayunman, umaasa pa rin ang Koalisyon na patawan ng P90 Sin Tax ang Tobacco Products sa halip na P60 lamang na siyang nakapaloob sa Senate Bill 1599 na inihain ni Senador Manny Paquiao.


Senertipikahan ng Pangulo ang panukalang batas ni Senator Paquiao na magpapataw ng karagdagang P60 na buwis ang bawat pakete ng sigarilyo na inendorso din ng Department of Finance at Department of Health.

Parehong isinulong ng SWP ang pagsasabatas ng Universal Health Care Bill at Tobacco Sin Tax Bill na kapwa senertipikahan na bilang Urgent Legislation ng pangulo.

Base sa datos ng World Health Organization, abot na sa 7 milyong katao ang namamatay bunga ng paninigarilyo kada taon.

Sa Pilipinas naman, nasa 150,000 ang namamatay kada taon mula sa Tobacco-related diseases o katumbas ng 17 tao bawat oras.

Facebook Comments

From Advertisers