Pag-claim ng Pantawid Pasada fuel cards, hanggang March 1 na lamang

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga kwalipikadong jeepeney drivers at operators na hanggang March 1 na lamang ang pagkuha ng kanilang Pantawid Pasada Program o PPP fuel cards.

Ang bawat cards ay mayroong ₱20,514 na sabsidiya ngayong taon kumpara noong 2018 na nasa ₱5,000 lamang.

Sa abiso ng LTFRB, maaaring kunin ng benepisyaryo ang kanilang libreng fuel cards mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa LTO East Avenue, Quezon City hanggang sa araw ng Biyernes.


Ang mga nasa ibang rehiyon naman ay kailangang makipag-ugnayan sa pinakamalapit na LTFRB regional office.

Nasa 173,000 ang inaasahang makikinabang sa fuel subsidy program.

Facebook Comments